Sunday, July 16, 2006

dekada NOBENTA

I saw this one from a friend's cousin's blog.. (gets?!) haha anyway, i had fun just reading it.. although some of the points raised i don't know, some i don't remember, and some HINDI KO GINAWA OR NARANASAN MAN LANG.. haha :-) hope u'll have fun reading it.. hehehe
*****
"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang! Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

*****
1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon. --> HAHAHAHAHA at un na lng ang nasabi ko..

****
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

*****
5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey- Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod. --> hahaha alam ko to!! at nilaro ko xa.. :-)

*****
6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?) ---> actually, ung samin SUSTAGEN... at xempre with susy and geno sa stage sumasayaw.. haha

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
*****
8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal. ---> korak!! haha alam na alam nmin yan.. haha batang DLA..
9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP. --> ahahaha :-) well infairness love ko si ate sheena at kuya bodjie.. pati narin sina pong pagong at kiko matching.. haha :-)

*****
10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon) --> TRULI..:-)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!) --> naabutan ko tong laro na to.. at uso pa nun ang term na 'damaged'.. haha
*****
12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle. --> hndi ko kilala si ultimate warrior pero love ko si hulk hogan.. haha ang OA nga nun eh..
13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

*****
14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

*****
15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya,Parokya ni Edgar, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang dating sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!) --> E-HEADS!! wohoo!! mahal ko sila!!

*****
16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation) --> hahah 1st generation lang.. its the coco fruit of the coco tree.. of the coconut family.. hahha

*****
17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid" ---> HAHAHAH meron ako nun!! haha

*****
18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

*****
19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) ---> KOREK!

*****
20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

*****
21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga) --> Flanders un dba?! anyway, pang-umaga ako at YES! badtrip ako dhil hndi cla napapanood.. kya masaya ako pg mai re-run tuwing summer... hehe :-)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!" --> OO NMAN!! universal term na ata un eh..
hehehe
Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"
*****
korek! at tlagang na-enjoy ko ang aking kabataan... hehehe minsan ang sarap isipin na noon mas masaya ang bata kesa ngaun na puro computer at tv na lang ang nkikita at nilalaro nila.. heheheh *winks*

Posted by mia at 6:46:00 PM