Saturday, September 16, 2006

para sa iyo..

sabi nila ang panahon ay mabilis... ngaun makikita mo mamaya lamang wala na... sa bawat oras na lumilipas may dumarating at mayroon din namang umaalis... sa bawat paglisan may panibagong bukas na haharapin, hindi man natin matanggap ang kanilang paglisan ngunit ito lamang ang tanging paraan upang masimulan na ang bagong bukas...

Para saan pa ang pagsasama kung ito rin pala ay matatapos lang din.. para saan pa ang mga pagkakataong inilaan para sa isa't isa kung balewala rin pala ito sa huli.... para saan pa ang kaligayahan kung darating din pala ang araw na tayo'y luluha't luluha pa rin... :-(

bilangin mo ang panahon lumipas... 19 na taon... 4 na taon... 2 buwan... 2 linggo... kahapon... nasaan na ba ako? tayo? sila? tao parin ba tayo... o ngpapakatao na lamang... asan na ang 'sense' ng post na ito.. napag-iwanan na ata ako ng panahon dahil hindi ko na kilala ang taong nasa harap ko.. nasaan na ang pinagsamahan, o namali lang talaga ako ng pagkakilala nung simula pa lamang...

malapit na ang katapusan ng masayang nobela na ito.. nobela na binuo ng apat na taon na para bang buong buhay na pinaghirapan... maraming SAYA, LUNGKOT, GALIT... pero nakabuo ng isang MAKULAY NA PAGSASADULA NG TUNAY NA BUHAY...

siguro nga kasama na ng ating pagkatao ang lumuha at tumawa.. hindi ko ito ginawa upang iparamdam sa inyo na nalulungkot ako... DAHIL HINDI AKO MALUNGKOT... natutuwa ako dahil alam ko na sa araw na maisulat na ang huling kabanata ng nobela na ito ay bubuksan na ang panibagong yugto ng AKING NOBELA...

p.s.. ayn, malakas ang tama sakin ng isa mong post na tagalog.. kaya ito nahawa na ko.. hehe :-) peanut brittle ko.. haha

Posted by mia at 9:48:00 AM